KORONADAL CITY – Magiging focus ngayon ng Department of Education o DEPED 12 ang pagsasagawa ng emergency drills matapos maranasan ang serye ng mga lindol na puminsala sa mga paaralan.
Ito ang inihayag ni DEPED 12 Regional Director Dr. Allan Farnazo sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Farnazo, sa pagbabalik ng klase sa mga lugar na naapektohan ng lindol, magiging prayoridad umano nila ang regular na pagsasagawa ng earthquake at fire drills sa mga public at private schools.
Maliban dito, iniutos rin nito ang inspeksyon sa iba’t-ibang school buildings sa Socsargen region.
Binigyang-diin ng opisyal na ipaiiral ang “No Clearance, no Occupancy” policy lalo na sa mga highrise buildings.
Dagdag pa ni Farnzao na sentro ng kanilang hakbang sa ang pagsasagawa ng psyco-social intervention sa mga estudyante.