-- Advertisements --
image 403

Naitala ng Philvolcs ang sunod-sunod na mahihinang pagyanig sa probinsya ng Camarines Sur, simula noong Sabado, Agosto-19.

Sa loob ng ilang araw, naitala ang hanggang sa lumamping earthquake swarm sa ansabing probinsya.

Ayon kay Phivolcs Director Teresito ‘Toto’ Bacolcol, posibleng ang nasabing swarm ay nagpapahiwatid ng isang mas malakas na pagyanig.

Ayon sa ahensiya, pinakamalakas ang Mag 4.4 na kanilang namonitor. Naitala ito noong Agosto-19.

Ayon kay Bacolcol, ang earthquake swarm ay serye ng mga minor quake na walang pangunahing malakas na pagyanig. Kadalasang hindi ito nagtatagal.

Kasabay nito, tinukoy ni Bacolcol ang posibilidad ng pagkakaroon ng isang malakas na pagyanig sa nasabing probinsya, sa mga susunod na araw.

Gayonpaman, wala namang pangamba ukol sa posibilidad ng tsunami, kahit pa magkaroon ng isang malakas na pagyanig.

Ayon sa PhiVolcs, hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang swarm na natukoy ang pinagmulan bilang techtonic.