Niratipikahan na ng mataas ng kapulungan ng kongreso ang panukalang ‘Ease of Paying Taxes Act.’
Ayon kay Gatchalian, ito ay isang mahalagang hakbang na susuporta sa layunin na mapanatili ang paglago ng ekonomiya dahil ang buwis ang pangunahing pinagmumulan ng kita ng pamahalaan para sa mga mahahalagang proyekto at programa.
Ang ratipikasyon ay kasunod ng bicameral conference committee meeting kung saan ang mga miyembro ng Senado at House of Representatives ay sumang-ayon na gamitin ang bersyon ng Senado bilang syang gagamiting reconciled bill.
Kabilang naman aniya sa mga mahahalagang probisyon ng panukalang batas ay ang pag-exempt sa mga overseas Filipino worker na maghain ng income tax returns.
Ang panukala ay nagtatakda ng mga karagdagang kategorya ng taxpayers katulad ng micro, small, at medium taxpayers.
Ang mga parusa na ipapataw sa mga tinaguriang micro at small taxpayers ay mababawasan din.
Dagdag ng senador, ang panukala ay nagtatakda ng panahon para sa pagproseso ng tax refunds sa 180 araw mula sa petsa kung kailan naisumite ang kumpletong mga dokumento.
Ang panukala ay nagmamandato rin ng recovery ng output VAT na binayaran sa timatawag na uncollected receivables, pagpapatupad ng audit risk assessment sa pagpoproseso ng VAT claims, at mangangailangan lamang ng VAT invoice sa mga taxpayer bilang proof of transaction.