-- Advertisements --

40th and 41st Association of Southeast Asian Nations ASEAN Summit and Related Summits in Phnom Penh Cambodia

Pinayagan ng Southeast Asian leaders ang East Timor na sumali sa 10-nation ASEAN regional bloc.

Ang East Timor ay ang pinakabatang bansa sa Timog-silangang Asya, na nagkamit ng kalayaan mula sa Indonesia noong 2002 pagkatapos ng 24 na taong pananakop.

Sa isang summit sa Cambodia, ang mga pinuno ng rehiyon ay sumang-ayon na bigyan ang East Timor ng observer status at ang karapatang dumalo sa mga pulong ng ASEAN at summit session.

Ang bloc ay bubuo na ngayon ng isang roadmap na nagtatakda ng mga pamantayan na dapat maabot ng East Timor bago mabigyan ng full membership.

Ang dating Portuguese colony ay isa sa pinakamahirap na bansa sa mundo at nakikipagbuno sa high levels of inequality, malnourishment at unemployment.

Matagal nang nangampanya si President Jose Ramos-Horta para sa pagiging miyembro ng ASEAN at unang naisumite ang aplikasyon noong 2011.

Si Ramos-Horta, na ginawaran ng Nobel Peace Prize, ay nanalo ng pangalawang termino sa panunungkulan noong Abril, na dati nang nagsilbi mula 2007 hanggang 2012.

Ang Indonesia — na pumalit sa ASEAN chair mula sa Cambodia noong 2023 — umaasa na ang East Timor ay maaaring opisyal na makasali sa pamilyang ASEAN sa susunod na taon.

Kung maalala, nagsimula ang ASEAN bilang 5-member bloc noong 1967 at unti-unting lumawak, kung saan ang Cambodia ang pinakahuling idinagdag noong 1999.