-- Advertisements --
ILOILO CITY – Malalimang imbestigasyon ang ginagawa ng mga otoridad sa serye ng pagsabog sa Sri Lanka kasabay ng Easter Sunday kung saan halos 300 na ang namatay.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Bombo International Correspondent Christine Octaviano Abeykoon, direkta sa kabisera na Colombo, sinabi nito na ang higit nilang pinagtutuunan ng pansin ay ang pagkakapareho ng nangyaring pang-aatake sa Sri Lanka at sa Mumbai, India noong 2008.
Ayon kay Abeykoon, kagaya sa Sri Lanka, mga hotel at simbahan din ang naging target sa pag-atake sa Mumbai kung saan nasawi ang 166 katao.
Naniniwala naman si Abeykoon na mga extremist Muslim ang nasa likod ng madugong pang-aatake.