Nanawagan si Pope Francis ngayong Lingo para sa isang Easter ceasefire sa Ukraine para mabigyan daan ang inaasam na kapayapaan sa pamamagitan nang tinawag niyang “real negotiation.”
“Let the Easter truce begin. But not to provide more weapons and pick up the combat again — no! — a truce that will lead to peace, through real negotiation,” ani Pope Francis sa isang misa sa Saint Peter’s Square.
Mariing tinutulan ni Pope Francis ang giyera, na siyang dahilan nang pagdurusa ng mga “defensless civilians” sa pamamgitan ng “henious massacres” at “atrocious cruelty” na bunga nito.
Nauna nang kinondena ni Pope Francis ang pag-target sa mga sibilyan sa Ukraine.
Tinawag pa niya ang pagkakatuklas sa mga bangkay sa Bucha malapi sa Kyiv bilang “massacre.”
Nagpahayag na rin siya ng kanyang kahandaan para makapag-ambag sa pagpapatigil sa giyera sa Ukraine.
Sinabi pa niya na handa siyang bumiyahe sa Kyiv.