-- Advertisements --
Nakapagtala ng bagong record ang isinagawang Easter concert ni blind opera singer Andrea Bocelli sa bakanteng Milan cathedral.
Itinuturing kasi na ang nasabing pagtatanghal nito ay siyang most watched classical music concert sa YouTube.
Ang 25-minutes na “Music of Hope” concert ng Italian tenor ay mayroong 2.8 million viewers na siyang pinakamaraming bilang ng sabay-sabay na nanood ng classical live stream sa kasaysayang ng video sharing app sa loob ng 24 na oras.
Magugunitang ilan sa mga kinanta ni Bocelli ay ang “Ave Maria” at “Amazing Grace”.