-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Ipinagdiwang ngayong araw ng mga taga-Athens, Greece ang Blessed Resurrection Sunday o Easter Sunday sa pamamagitan ng live-feed sa telebisyon o kaya’y sa livestreaming dahil sa ipinatupad na social distancing.

Ayon kay Juanita Balbarino. 53-anyos, taga-Purok 4, Brgy. Bobon nitong lungsod at 23-taon ng baby-sitter, kahit siya ay hindi naka-uwi sa kanyang tirahan dahil pareho silang naka-quarantine ng kanyang amao sa bahay nito.

Dahil parehong naka-quarantine, ang ina umano ng kanyang amo ang naggo-grocery para sa kanila at iiwan lang ito sa gate dahil hindi rin ito pumapasok sa nasabing bahay.

Kasama sa kanilang ipinagdasal ang tuluyan ng pagkawala sa COVID-19 upang balik na sa normal ang lahat lalo na’t hindi na sila nakapagpadala ng pera sa kanyang ina.