(3rd Update) Naging triple na ang bilang ng mga namatay sa magkakahiwalay na pagsabog sa iba’t ibang high-end hotels at simbahan sa Sri Lanka kasabay ng Linggo ng Pagkabuhay.
Mula kasi sa 52, lumobo na agad sa 156 (as of writing) ang binawian ng buhay kabilang ang nasa 35 foreigners.
Ayon sa mga otoridad, tinatayang 45 katao ang nasawi sa kabisera na Colombo kung saan target ng pagsabog ang tatlong hotel at isang simbahan.
Isa naman ang nasawi sa Cinnamon Grand Hotel na umano’y malapit lang sa official residence ng prime minister ng Colombo.
Karagdagang 67 ang patay sa inatakeng simbahan sa Negombo north of the capital, habang 25 ang iniwang patay sa pinasabog na simbahan sa bayan ng Batticaloa.
Naitala ang mga unang pagsabog sa St. Anthony’s Church sa Colombo at sa St. Sebastian’s sa bayan ng Negombo.
Maliban sa mga namatay, 160 katao ang nagtamo ng injury mula sa pagsabog sa St. Anthony na agad isinugod sa Colombo National Hospital.
Samantala, tiniyak ni Sri Lankan President Maithripala Sirisena na inatasan na nito ang police special task force at ang militar na imbestigahan at panagutin ang sinumang nasa likod ng madugong pag-atake.
Kasabay nito ang apela sa kanilang mga mamamayan na manatiling kalmado sa kabila ng pangyayari.
“PM (Prime Minister) met with ministers and senior military personnel; all measures taken to maintain peace,” ang tweet ng Sri Lanka’s Minister of Economic Reforms and Public Distribution na si Harsha de Silva.
Mas hinigpitan na rin ang seguridad sa international airport ng Colombo. (CNA)