Pinaalalahanan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga Filipino na ang muling pagkabuhay ni Kristo o Easter Sunday ay tungkol sa pag-asa, pagbabago ng mga pagpapahalaga at tagumpay sa kabila ng mga pagsubok.
Ito ang mensahe ni Speaker kasabay ng kaniyang pakikiisa sa sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng Pasko ng pagkabuhay.
Sinabi ni Speaker nakikita ang katotohanan sa buhay ng mga tao sa kabila ng mga hirap at pasanin, nanatiling matatag ang mga ito at patuloy na ipinapakita ang kabaitan at pagka matulungin.
May mensahe din si Speaker Romualdez para sa mga nasa posisyon.
Aniya ang tunay na paglilingkod ay hindi binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng titulo o kapangyarihan, ngunit sa pamamagitan ng kakayahang makinig, kumilos nang may habag, at ilagay ang mga pangangailangan ng iba kaysa sa personal na interes. Sa pamamagitan ng tahimik na gawain naisasakatuparan ng ganap ang diwa ng pampublikong serbisyo.
Ayon kay Speaker Romualdez hayaan ang sagradong araw na ito na magbago sa atin.
Hangad nito na sumulong tayo hindi lamang nang may pag-asa, ngunit may mas malalim na pakiramdam ng responsibilidad na pangalagaan ang isa’t isa at bumuo ng isang bansang nag-aangat sa bawat buhay at walang naiiwan.