Ipinagdarasal ni Pope Francis na mangibabaw sa paniniwala ng sangkatauhan na buhay ang Panginoon sa gitna ng mga komplikadong sitwasyon na nararanasan nino man.
Pahayag ito ng Santo Papa sa kanyang “Urbi et Orbi†(“To the City and the Worldâ€) matapos ang Easter Sunday mass sa St. Peter’s Square na dinaluhan ng mga mananampalataya.
Special mention nito sa aniya’y “darkness of conflicts around the world” ay yaong mga nakatira sa Syria, Yemen, Israel and Palestine, Libya, Burkina Faso, Mali, Niger, Nigeria, Cameroon, Sudan, South Sudan, eastern Ukraine, Venezuela, at Nicaragua.
Gayunman, hindi raw ito nangangahulugan na inabandona na ni Hesus ang mga taong nahararap sa pagsubok at iba pang uri ng paghihirap.
Dagdag pa ng 82-year-old pontiff na ang Easter ay pagsisimula ng bagong mundo na siyang daan para lumaya tayo sa “slavery of sin and death.”
“Christ is alive. May we let ourselves be renewed in him. Happy Easter!†pagtatapos nito.
Samantala, hindi rin pinalampas ng Mahal na Papa ang pagkondena sa madugong serye ng pagsabog sa ilang hotel at simbahan sa Sri Lanka kasabay ng Linggo ng Pagkabuhay.
Sa nasabing insidente, mahigit na sa 150 ang bilang ng mga namatay habang nasa 160 naman ang sugatan.
“I wish to express my heartfelt closeness to the Christian community (of Sri Lanka), wounded as it was gathered in prayer, and to all the victims of such cruel violence,” ani Pope Francis. (Vaticannews)