-- Advertisements --

Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na patuloy na makakaapekto ang easterlies sa buong bansa, na magdudulot naman mga isolated rain sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin sa Metro Manila at iba pang mga rehiyon sa bansa, kasama na mararanasan ang mga isolated rain o pagkakaroon ng thunderstorms dulot ng naturang weather system.

Samantala, asahan naman sa mga lalawigan ng Davao Oriental, Davao del Sur, Sarangani, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ang maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dulot rin ng easterlies.

Nagbigay babala naman ang state weather bureau sa mga lugar na ito hinggil sa posibilidad ng flash floods o landslides dulot ng katamtaman hanggang minsanang malalakas na pag-ulan.

Samantala hanggang alas-2 ng umaga ng Marso 5, 2025, wala pang namomonitor na low pressure area na posibleng magdulot ng bagyo.