-- Advertisements --
Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Eastern at Central Visayas dahil sa tail-end of a frontal system.
Ayon sa Pagasa, ang tail-end of a frontal system ang nakakaapekto sa silangang bahagi ng Visayas, habang ang northeast monsoon o hangig amihan naman sa Luzon.
Dahil sa amihan, magiging maulap ang kalangitan na may mahinang pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Bicol Region, Aurora, at Quezon.
Magdudulot din ito ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated light rains sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Samantala, magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may ang Western Visayas at Mindanao dahil sa localized thunderstorms.