Nakalusot ang Miami Heat sa huling pagtatangka ng Brooklyn Nets para idispatsa sa score na 115-111.
Tinangka kasi ng Nets na mahabol ang kalamangan ng Heat sa fourth quarter sa pangunguna sa opensa ni Kyrie Irving na nagbuhos ng 20 puntos sa huling quarter mula sa kabuuang 29 points.
Sa huling segundo nagkaroon pa ng pagkakataon ang Nets na mabaligtad ang sitwasyon pero naagaw ni Kyle Lowry ang bola mula sa pasa ni Cam Thomas.
Nanguna sa Miami si Bam Adebayo na may 19 points at 14 rebounds.
Habang sina Duncan Robinson ay nag-ambag ng 17 points kasama na ang anim na three pointers, si Jimmy Butler at Tyler Herro ay may tig-13 points ganon din si Lowry.
Sa ngayon napatibay pa ng Miami ang hawak sa number one sa Eastern Conference na may kabuuang 39 wins na, habang natikman naman ng Nets ang Ika-11 talo.
Minalas pa ang Nets at nakalipat na sa Sixers ang isa nilang superstar na si James Harden habang nagpapagaling pa rin sa injury si Kevin Durant.