-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang ilang bahagi ng Caraga region sa eastern Mindanao ngayong araw ng Linggo bandang alas-12:04 ng tanghali.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang epicenter ng lindol ay natukoy sa east ng Barobo town sa probinsiya ng Surigao del Sur.

Nadetermina ang lindol na tectonic in origin.

Ayon sa Phivolcs, intensity IV ang naramdaman sa Rosario, Agusan del Sur.

Hbaang wala namang naitalang aftershocks o damage na inaasahan.