-- Advertisements --
Naitala ng Eastern ang magkasunod na panalo matapos na malusutan nila ang Blackwater 84-75 sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Commissioner’s Cup.
Ito rin ang unang pagsabak ni Chris Mclaughin bilang import ng Hong Kong based guest team na ipinalit kay Cameron Clark.
Nanguna si McLaughin sa laro na nagtala ng 32 points at 23 rebounds sa laro na ginanap sa Filoil EcoOil Center sa lungsod ng San Juan.
Nag-ambag naman ng 14 points at pitong rebounds si Glen Yang habang mayroong 10 pionts at 11 rebounds si Kobey Lam.
Hindi naman umubra ang nagawang 41 points at 12 rebounds ni George King ng Blackwater.