Naging mapalad ang pagsisimula ng Eastern Sports Club sa PBA matapos na talunin nila ang Phoenix Super LPG 102-87.
Ang nasabing koponan ay naglalaro bilang guest team ng PBA Season 49 Commissioner’s Cup.
Nanguna sa panalo ng Eastern si Hayden Blankley na nagtala ng 18 points, walong rebounds at limang assists.
Habang mayroong 25 points at 11 rebounds naman ang naitala ni Cameron Clark na siyang dating import ng NLEX.
Sa pagtatapos ng first half ay mayroong apat puntos ang kalamangan ng Eastern at pagpasok ng third quarter ay doon na sila umarangkada ng husto.
Pinilit ng Fuel Masters na maitabla ang laban subalit hindi pinabayaan ng Eastern ang depensa kung saan lumubo pa sa 21 points ang kanilang kalamangan.
Nasayang naman ang nagawang 33 points, 11 rebounds ni Phoenix import Donovan Smith at ang ginawang 22 points, limang rebounds at apat na assists ni Jason Perkins.