-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Sabik na ang buong Balangiga Eastern Samar sa nakatakdang selebrasyon sa paggunita sa ika-118 anibersaryo ng Balangiga Encounter.

Ayon kay Fe Campanero, municipal tourism officer ng Balangiga, patuloy ang kanilang ginagawang preparasyon kung saan ngayong darating na Setyembre 25 ay magsisimula na ang kanilang mga inihandang aktibidad.

Dagdag pa nito, magiging makasaysayan ang nasabing selebrasyon dahil ito ang pinakaunang anibersaryo mula nang maibalik ang Balangiga Bells noong nakaraang taon.

Dahil dito, inaasahan nila na libo-libong tao na makikiisa sa nasabing selebrasyon.

Kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang ng mga turistang bumibisita sa Balangiga mula ng maibalik ang nasabing mga kampana mula sa mga Amerikano sa loob ng 117 taon.