-- Advertisements --

Niyanig ng 4.9 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Samar at Leyte ngayong araw.

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ito kaninang ala-1:22 ng hapon.

May lalim lamang itong tatlong kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang epicenter sa layong 42 km sa hilagang silangan Abuyog, Leyte.

Instrumental Intensities:
Intensity III – Hinundayan and Hinunangan, Southern Leyte // Dulag at Abuyog, Leyte
Intensity II – Alangalang, Leyte
Intensity I – Albuera, Leyte; Basey, Samar; Sogod, Southern Leyte

Sinasabing bahagi pa rin ito ng aftershocs mula sa May 03, 2024 offshore Leyte earthquake event.