-- Advertisements --

Pinawi ng Phivolcs ang pangamba ng publiko, kasunod ng 5.0 magnitude na lindol sa Eastern Visayas.

Wala umanong malaking pinsala mula rito at wala ring malakas na aftershocks.

Naitala ito bandang madaling araw nitong Linggo.

May lalim ang sentro nito na 80 km at tectonic ang pinagmulan.

Natukoy ang epicenter sa 10 km sa hilagang kanluran ng Lope De Vega, Northern Samar.

Reported Intensities:

Intensity IV:

Lope de Vega, Catarman, Bobon, Mondragon, Palapag, San Roque, Pambujan, San Jose, Rosario, Lavezares, San Isidro, Victoria, Silvino Lobos at Catubig, Northern Samar; City of Calbayog at Santa Margarita, Samar.

Intensity III:

Allen, Laoang, Mapanas, Gamay, Lapinig, Capul, Northern Samar; Arteche, San Policarpo, Dolores, Oras, Can-avid, Taft, San Julian at Sulat, Eastern Samar; Gandara, Tarangnan, City of Catbalogan, San Jorge, Motiong, Paranas, Pinabacdao, Calbiga at Villareal, Samar.


Intensity II:

Santa Rita at Basey, Samar; City of Borongan, Maydolong, Llorente, at Hernani, Eastern samar; Tacloban City; Babatngon at San Miguel, Leyte.