Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Eastern Command chief Lt. Gen. Felimon Santos Jr. bilang susunod na AFP chief of staff at papalit sa pwesto ni AFP chief Gen. Noel Clement na magreretiro na sa serbisyo ngayong buwan.
Nakatakdang pangunahan ni Duterte ang turn over ceremony sa Sabado January 4, 2019.
Si Santos ay miyembro ng Philippine Military Academy “Sinagtala” Class of 1986.
Bago naging commander ng Eastmincom siya ang pinuno ng Army’s 7th Infantry Division.
Si Clement naman ay miyembro ng PMA Class 1985 at dating commander ng Central command bago siya itinalaga bilang AFP chief.
Matapos pangalanan ng Pangulo ang magiging successor ni Clement sa panig naman ng PNP wala pang pinapangalanan ang commander-in-chief na papalit sa pwesto ni retired Gen. Oscar Albayalde na nagretiro sa serbisyo.
Kasalukuyang pinamumunuan ni Lt. Gen. Archie Gamboa ang PNP bilang officer-in-charge.
Una nang inanunsiyo ng Pangulo na si DILG Secretary Año muna ang mamamahala sa PNP habang wala pa itong napipiling maging bagong PNP chief.