-- Advertisements --

faustino1

Itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang incoming commanding general ng Philippine Army si Eastern Mindanao Command (Eastmincom) commander Lt. Gen. Jose Faustino Jr.

Si Faustino ang papalit sa binakanteng pwesto ni AFP chief Lt Gen. Cirilito Sobejana na itinalaga bilang ika-55 pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Sa Pebrero 16, 2021 magiging epektibo ang appointment ni Faustino bilang acting commanding general ng Philippine Army.

Ito ang sinabi ni AFP chief of staff Lt. Gene. Cirilito Sobejana matapos na mag-isyu ng memo si Executive Secretary Salvador Medialdea kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP chief na naghayag ng “no objection” sa pag-upo ni Faustino sa pinakamataas na pwesto ng Phil. Army.

Paliwanag pa ng AFP chief, acting capacity ang designation ni Faustino dahil kulang na sa isang taon ang kanyang panunungkulan sa serbisyo bago magretiro.

Maj Gen Jose Faustino

“He will be the Acting CGPA effective 16 February. He has less than one year kaya acting capacity. He belongs to PMA Class 1988,” mensahe ni AFP chief Sobejana sa Bombo Radyo.

Magugunitang nabakante ang pwesto ng commanding general ng Philippine Army noon pang Pebrero 4 nang umangat si Sobejana bilang bagong AFP chief of staff.

Si Lt. Gen. Faustino ay miyembro ng Philippine Military Academy “Maringal Class of 1988”.