-- Advertisements --

Naka-red alert na ang Eastern Mindanao Command (Eastmincom) kasunod ng tumamang magnitude 7.4 na lindol sa Caraga region at pagsabog sa Marawi city.

Sa isang statement, ayon sa Eastmincom kanilang ipinapatupad ang pinaigting na checkpoint operations sa kanilang areas of responsibility, kabilang ang bus boarding operations, foot and water patrols, at enhanced troop visibility sa matataong lugar.

Sa Davao City, ipinaiiral ang mahigpit na security operations sa pakikipagtulungan sa Davao City Police Office.

Nakalatag din ang pinaigting pa na intelligence monitoring at security operations sa pamamagitan ng isang sistematiko at coordinated security scheme sa cognizant units, lalo na sa mga areas of convergence, para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa holiday season.

Ayon kay Eastmincom commander Lt. Gen. Greg Almerol, bagamat malayo sila sa Marawi city inalerto na nila ang kanilang tropa para paigtingin ang security operations para mapigilan ang posibleng spillover ng karahasan ng teroristang grupo sa Eastern Mindanao.