La Union – Aktibo pa rin ang wildfire sa historic town na Lahaina sa Maui, Hawaii.
Ayon kay Bombo International News Corespondent Paul John Castillo, 60-80% ang contained na ngayon sa wildfire sa Maui, ngunit peligro pa rin ang ilan sa wildfire na hindi pa naapula.
Sa kuwento ni Castillo, ang mga lugar na nasusunog ay sa bahagi pa ng Lahaina at ilang bahagi ng Maui na mahirap pasukin ng mga responders at firefighters, dahil sa hirap ng daan o kaya ay hindi accessible.
Umabot na aniya sa 106 ang mga namatay at lima sa mga ito ang nakilala na.
Gayunman, dalawa pay lang ang nailalabas na pangalan, sapagkat kailangan na maipagbigay alam sa kaukulan pamilya ang tatlo bago ilabas ang pagkakakilanlan sa mga ito.
Ang dalawang bangkay na nakilala ay sina Robert Dyckman, 74-anyos at Buddy Jantoc, 79-anyos.
Kabuuan 207 istruktura ang inabo na kinabibilangan ng 86 residential buildings.
Aabot pa rin sa 30% ang nahalughog ng mga otoridad sa disaster site, ayon kay Governor Josh Green.
Posible aniya na madoble pa ang nasabing bilang ng mga namatay sa susunod na 10 araw.
Samantala, sinabi ng White House na nakatakdang magtungo at bibisita sa Hawaii sa Lunes sina US President Joe Biden at First Lady Jill Biden .
Nag-umpisa ang deadly wildfire noong Agosto 8.