Inamin ni Sen. Panfilo Lacson na bumuhos ang mga impormasyon ukol sa pagpapalaya sa ilang convicted criminals, matapos magtakda ng pagdinig ang Senado hinggil sa naturang usapin.
Dito umano niya nalaman na “pera-pera” lang ang nasa likod ng pagpapalaya.
Pero tiniyak ni Lacson na dumadaan ang mga sumbong sa angkop na pagsusuri.
“Pero ang sinasabi ng sources ko sa NBP na talagang pera-pera naman yan. Ang titingnan din natin mag-profiling tayo sa 1,900, ang 800 mahigit doon sa pamumuno ni Faeldon,” wika ni Lacson.
Samantala, lalo pang dumami ang umaalmang grupo, tanggapan at indibidwal sa ginawang paglaya ng ilang convicted criminals.
Maging ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasi ay dismayado sa ginawa ng BuCor, lalo’t malaki ang naging hirap nila para lang maipakulong ang mga drug personalities na sa huli ay makakalaya rin pala dahil sa good conduct time allowance.