Tiwala ang prosekusyon na may sapat na basehan para idiin sa reklamong plunder si dating Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng kontrobersyal na pork barrel scam.
Batay sa sa siyam na pahinang komento ng Office of the Ombudsman noong February 27, hiniling nito sa Sandiganbayan 5th Division na ibasura ang mosyon ni Estrada na nagpapa-dismiss sa kaso nito.
Ipinunto ng prosekusyon ang nilalaman ng isang Anti-Money Laundering Council (AMLC) report kung saan tumanggap umano ng higit P70-million ang dating mambabatas mula sa pakikipag-transaksyon daw nito kina Pauline Labayen, Carl Dominic Labayen at Juan T. Ng, batay sa record ng daily disbursement reports (DDR).
“Out of the P183,793,750.00 reflected in the DDRs and summary of rebates, the amount of P70,748,750.00 was confirmed by the AMLC to have been received by Estrada.â€
“Such verification and confirmation by the AMLC is nothing less than corroborative to the testimony on record that indeed Estrada received kickbacks/commissions, therefore amassing, accumulating and acquiring ill-gotten wealth.â€
May sapat din daw na ebidensyang magpapatunay na kumamkam ng higit P55-milyon si Estrada, batay na rin sa computation na ginawa noon ng anti-graft court.
Kung maaalala, pinayagan ng Sandiganbayan na makapag-piyansa ang former senator noong 2017 sa halagang P1.3-milyon.
Sa ngayon patuloy na dinidinig sa korte ang kaso nito, sa kabila ng kanyang pagtakbo muli bilang senador sa Mayo.