-- Advertisements --
Idineklara ng World Health Organization (WHO) ang pagtatapos na ng Ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo.
Ito ay matapos na wala ng naitalang bagong kaso mula pa noong Abril 27.
Mula pa kasi noong Agosto 2018 ay umabot na sa 2,280 ang nasawi.
Ang pinakamatinding nangyaring outbreak ay naitala sa West Africa sa pagitan ng 2014 at 2016 na mayroong mahigit 11,000 katao ang nasawi.
Mula ng madiskubre ang Ebola noong 1976 ay naging pang-10 bansa ang DR Congo na tinamaan ng outbreak.
Sinabi ni Health Minister Eteni Longondo na isang pinakamahaba at nakakamatay sa kasaysayan ng Congo ang nasabing outbreak.
Itinuturing na ang pinakamalaking Ebola vaccine campaig ang siyang pangunahing factor kaya nakontrol ang nasabing virus.