Muling nagpaalala ang Employees’ Compensation Commission (ECC) sa mga manggagawang dinapuan ng covid19 sa kanilang trabaho na maaring makakuha ng benepisyo sa ilalim ng Employees’ Compensation Program (ECP) kahit na hindi naospital.
Sa isang statement sinabi ni ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis na sa gitna ng patuloy pa ring pagtaas ng bilang ng mga manggagawang tinatamaan ng sakit na compensable ito anuman ang severity nito naospital man o nakarekober sa quarantien facility o sumailalim sa home isolation.
Mas malaki aniya ang makukuhang ECP assistance kesa sa benepisyo mula sa Philhealth, SSS at GSIS at hindi na rin kailangan ng mga empleyado na gamitin ang kanilang sick leave credits para makapag-avail sa naturang programa.
Sa ilalim ng ECP, ang mga infected na mangaggawa ay maaaring magclaim ng daily sickenss, medical at disability benefits.
Sakaling mauwi sa kamatayan bunsod ng naturang sakit, maaaring magclaim naman ang kwalipikadong dependents ng deceased worker ng death at funeral benefits.
Maaaaring magapply ang mga mangagagawa sa kanilang ECP benefits sa SSS para sa private sector at sa GSIS naman para sa mga empleyado ng gobyerno.