-- Advertisements --

workers

Maaaring humingi ng karagdagang tulong pinansyal mula sa Employee’s Compensation Commission ang mga manggagawa sa gobyerno,self-employed individuals, mga katulong sa bahay, at mga sea-based overseas workers sa pamamagitan ng Employee’s Compensation Program nito.

Sinabi ni Employees’ Compensation Commission OIC-Executive Director Engr. Jose Maria Batino, ang mga manggagawang kwalipikado para sa tulong mula sa ECC kapag sila ay nagkasakit, nasugatan, harmed, o namatay habang nasa kanilang tungkulin ay kinabibilangan ng lahat ng mga compulsory na miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS), gayundin ang mga unipormadong tauhan mula sa AFP, BFP, BJMP at iba pang mga unipormadong ahensya.

Ang mga empleyado ng pribadong sektor ay maaaring mag-claim ng hanggang 480 pesos kada araw sa sickness benefit, habang ang mga empleyado ng gobyerno ay maaaring mag-claim ng hanggang 200 pesos kada araw sa sickness benefit.

Ang mga kumpanya ay dapat mag-aplay para sa tulong sa kalamidad sa ngalan ng mga empleyado sa pamamagitan ng MySS account.

Maaaring ihain ang mga sickness and disabilities claims sa social services website online.

Nitong Hulyo, humigit-kumulang 20,000 mga claim sa benepisyo sa pagkakasakit para sa COVID-19 ang naihain.

Nagsusumikap ang ECC na i-update ang kanilang record para malaman kung ilan pang COVID-19 sickness benefit claim ang naihain.

Ang mga serbisyong medikal at libing sa kabilang banda, ay dapat ilapat nang pisikal sa mga SSS branches.

Ang mga empleyado ng gobyerno sa kabilang banda ay maaaring mag-apply nang over-the-counter sa alinmang sangay ng GSIS.