-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Pinalawig pa ng lokal na pamahalaan ng Echague, Isabela ang ipinapatupad na General Community Quarantine ( GCQ ) bubble.

Sa bisa ng Executive Order number 22 ay pinalawig ni Mayor Kiko Dy ang GCQ bubble hanggang June 30, 2021.

Layunin nito na mapigilan ang paglaganap ng COVID 19 virus at matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan.

Sa ilalim ng GCQ Bubble ay mas maghihigpit ang lokal na pamahlaan sa pagapatupad ng mga health protocols.

Pansamantalang ipagbabawal ang dine-in services sa mga bahay kainan, bawal rin muna ang operasiyon ng mga establisyimento na nag-aalok ng liesure activities,nililimitahan rin ng hanggang sampung indibiduwal ang pagsasagawa ng mass gathering, burol at libing.

Dahil sa mas mahigpit na panuntunan ay aasahan rin ng mga residente ang mas mabigat namang parusa para sa mga mahuhuling lalabag.