CAUAYAN CITY – Isinailalim na sa evaluation ang ang Echague Police Station na magiging pambato ng Region 2 sa search for best police station national level.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major Andy Orilla, hepe ng Echague Police Station, sinabi niya na may mga matataas nilang pinuno na galing sa Kampo Crame para isailalim sila sa evaluation at i-validate ang kanilang himpilan para sa best police station sa buong bansa.
Aniya, kasama nila sa Top 3 na best municipal police station ang Mariveles Police Station sa Bataan at ang Santo Domingo Police Station sa Ilocos Sur.
Ito ang unang pagkakataon na lumaban ang Echague Police Station sa National Award at umaasa sila na makuha ito dahil maganda ang kanilang performance.
Ayon pa kay Orilla, ginawa lamang nila ang kanilang tungkulin bilang pulis at hindi nila alam na mapapansin na pala ito ng kanilang mga nakakataas na pinuno.
Aniya, nanguna sila sa unit performance evaluation checking sa buong Isabela Police Provincial Office (IPPO) at napansin din ang kanilang reporting system at presentability ng kanilang himpilan.
Inaasahang ilalabas ang resulta ng parangal sa buwan ng Agosto bago ang Police Service anniversary na nakatakda sa August 14, 2019 .
Bukod sa kanilang himpilan ay isinailalim din sa evaluation ang mga kasapi ng Echague Munipal Police Station.