Ipapatayo na ang kauna-unahang Eco Classroom sa Caparispisan Elementary School sa bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte.
Ang naturang classroom ay ipapatayo bilang corporate social responsibility (CSR) ng North Luzon Renewables katuwang ang Department of Education sa lalawigan. Inaaasahan naman itong matapos sa loob ng tatlong buwan.
Ayon kay Mr. Jay-Ar Valera, officer-in-charge ng naturang paaralan, ang mga gagamiting materyales ay Eco Bricks at kakaunti lamang ang gagamiting construction materials.
Pinondohan naman ito ng aabot sa halos dalawang milyong piso at maliban dito, ibibigay pa ng North Luzon Renewables ang mga mesa at upuan.
Dagdag pa ni Valera, ang disenyo ng Eco Classroom ay nakabatay sa standard ng Kagawaran ng Edukasyon. Itatayo naman ito sa lugar kung saan matatanaw ang windmills.