LEGAZPI CITY – Hinikayat ng Ecowaste Coalition ang pagkakaroon ng eco-friendly na selebrasyon ng Pasko at bagong taon.
Ayon kay Jove Benosa, Zero Waste Campaigner ng Ecowaste Coalition sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, mula ng magsimula ang pandemya naging normal na ang pag-oorder online o online shopping.
Dahil dito, isa ang mga delivery items sa mga nakadadagdag ng basura lalo na ngayong holiday season.
Panawagan ni Benosa sa mga mahilig mag-online shopping na kung hindi naman babasagin ang items, pwedeng pakiusapan ang seller na huwag ng balutin ng ilang layers.
Aniya, minsan kasi umaabot sa ilang layers ang balot ng mga items na hindi naman napapakinabangan at nagiging basura lang.
Ngayong uso ang pagbibigay ng Christmas gift dapat na eco-friendly din ang mga pambalot sa regalo.
Pagbibigay diin ni Benosa na nilalayon nito na hindi man tuluyang mawala ang basura ay mabawasan sa simpleng pagiging eco-friendly.