-- Advertisements --
Photo © Hürriyet Daily News

Binabaan ng World Bank ang kanilang economic growth forecast para sa Pilipinas ngayong taon at sa 2020 dahil sa downside risks kagaya ng reenacted budget at El Niño phenomenon.

Ayon kay World Bank Senior Economist Rong Qian, inaasahan ngayon ng World Bank na ang ekonomiya ng Pilipinas ay lalago sa mas mabagal na pace na 6.4 percent mula sa dating 6.5 percent na kanilang inanunsyo noong Enero.

Sa ngayon, nakadipende pa rin ang operasyon ng gobyerno sa isang reenacted budget.

Noong nakaraang buwan lang sinabi ni Socioeconomic Sec. Ernesto Perina na ang reenacted hanggang Abril 2019 ay magpapababa sa full-year gross domestic product.

Nakikita rin ni Qian ang El Nino bilang isa sa downside risks sa economic growth, kasunod nang pahayag ng Department of Agriculture na ang pinsala sa agrikultura ay naging triple na kumpara sa initial figure ng gobyerno na P4.35 billion.