Hindi nababahala ang economic team ng Administrasyon sa mga kasalukuyang pangyayari sa bansa na aniyay produkto ng pulitika.
Ayon sa economic managers ng Administrasyon, nananatiling business as usual sa pamahalaan at Hindi kailanman magpapaapekto sa nagaganap ngayong mga hamong pulitikal.
Binigyang diin Ng Economic team na , nananatiling nakapokus ang lahat Ng Departamento ng pamahalaan at itoy sa gitna ng Target na maabot ang ” Agenda for Prosperity” para sa Pilipinas.
Binigyang diin rin ng mga ito na ilang ulit ng, napatunayan ang tibay ng ekonomiya ng Pilipinas laban sa mga hamong panloob at panlabas, maging ito man ay dulot ng mga natural na kalamidad, geopolitical tensions, eleksiyon, global at regional financial crises, supply chain gaps abroad, cybercriminal activities at IBA pang krisis.
Determinado aniya ang komposisyon ng economic team na binubuo ng Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs, Finance Secretary,Budget Secretary at NEDA na mapanatili ang A rating ng bansa at maipagpatuloy ang magaganda pang pagbabago sa ekonomiya sa gitna ng kinakaharap na political challenges.