Pinresenta na ng mga economic managers ng gobyerno sa Senado ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance na pinamumunuan ng bagong chairman na si Senadora Grace Poe, binigyang-diin ni Recto na maraming Pilipimo noong nakaraang taon o 2.5 million na mga Pinoy ang naiahon sa kahirapan kung saan napapababa ang poverty rate sa 15.5 percent.
kaya nakatuon ngayon ang pansin ng pamahalaan na mapababa pa ito sa single digit na 9% pagtungtong ng 2028.
Binida rin ni Recto ang paghupa ng inflation mula january hanggang july 2024 kung saan nasa 3.7% na lang ito, malapit sa target na 3.4%.
Bagamat nasa trilyon na ang utang ng Pilipinas, sabi ni Recto, walang dapat ikabahala dahil kaya itong bayaran ng pamahalaan.
Gayunpaman, pagtitiyak ni Recto sa mga senador, na nasa tamang landas sila at maganda ang development sa kanilang target pang-ekonomiya.
Aniya, tayo rin ang isa sa pinakamabilis na paglago ng ekonomiya sa buong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).