-- Advertisements --
balisacan

Malamig ang economic managers sa panukalang suspendihin ang excise tax na ipinapataw sa mga produktong petrolyo sa gitna pa ng tumataas na presyo.

Paliwanag ng economic managers negatibo umanong makakaapekto ito sa ekonomiya ng bansa.

Sa halip, isinusulong ng economic managers ang targeted assistance o pamimigay ng ayuda para sa mga vulnerable sector.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, lubhang mapanganib ang ipinapanukalang month-long suspension ng fuel excise tax.

Inalala ng opisyal na sa nakalipas panahon, nagkaroon ng unsustainable deficits dahil sa mga ganitong programa na humantong sa mataas na interest rates, nagpatamlay ng ekonomiya at nagpababa ng paglago na kalaunan ay nagpababa ng mga investment.

Una ng nagbabala si Finance Secretary Benjamin Diokno na isa rin sa mga economic managers ng Marcos administration na maaaring mawalan ng bilyun-ilyong revenue ang pamahalaan kapag sinuspendi ang value added tax at excise tax sa langis.

Aniya, aabot sa P72.6 billion ang posibleng mawala sa revenuse sa huling quarter ng 2023 o 0.3% ng gross domestic product (GDP) ng bansa.