-- Advertisements --
Arsenio Balisacan

Nilinaw ni National Economic Development Authority Secretary Arsenio Balisacan na wala siyang natatanggap na anumang alok kaugnay sa pagiging kalihim ng Department of Agriculture.

Ito ang binigyang-diin ni Balisacan sa gitna ng mga bali-balitang may mga proposal na umano para sa kaniya para maging pinuno ng naturang kagawaran.

Giit ng opisyal, wala siyang natatanggap na anumang uri ng offer ukol dito at hindi rin aniya ito napag-uusapan sa gabinete.

Kung maaalala, una nang iminungkahi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na gawing DA secretary si Balisacan.

Si Sec. Balisacan ay dalawang beses nang nanungkulan bilang kalihim ng NEDA at nagsilbi rin bilang director-general sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at ngayon ay sa ilalim ng Marcos adminsitration.

Dati rin siyang nagsilbing agriculture undersecretary sa panahon ng Estrada administration.