BAGUIO CITY – Inaayos na ang Economic Recovery Plan (ERP) ng Baguio City kapag natapos na ang COVID-19 crisis.
Ayon kay Baguio City Administrator Engineer Bonifacio Dela Peña, wala pang pinal na plano ngunit nagpulong na ang executive department.
Inihayag niyang plano ng lokal na pamahalaan na matapos ang Economic Recovery plan ng lunsod sa Abril 30.
Ipinaliwanag niyang ito ay upang makapaghanda ang lungsod kapag matuloy ang extension ng enhanced community quarantine sa Baguio City at Benguet hanggang Mayo 15.
Kabilang sa mga prayoridad sa economic recovery plan ang konstruksion, transportasyon, negosyo at iba pa.
Nakatakdang muling magpulong ang executive department para maisapinal ang mga plano sa pag-rekober ng ekonomiya ng lungsod kapag matapos na ang problema tungkol sa COVID 19.