-- Advertisements --

Malaki ang naging epekto sa buhay ng mga Pilipino ang ipinatupad na reporma sa ekonomiya ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. kung saan umangat ang buhay ng ating mga kababayan.

Kabilang sa mga mahalagang reporma na ipinatupad ng Pangulo ay mga programa at inisyatiba na magtitiyak sa liberalization, privatization, at globalization ng ating bansa.

Kasunod nito ang mga ipinatupad na  istratehiya  para mapalakas ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng napapanahong trade policy tools, sustained investments sa irrigation, flood control, supply chain logistics at climate change adaptation. 

Sa globalization reform strategy ipinagmalaki ng Pangulo ang modernization and expansion ng Philippine domestic shipping, promotion and expansion ng Philippine overseas shipping, modernization of the Philippine shipbuilding and ship repair industry at promotion ng highly-skilled Filipinos at competitive maritime workforce.

Maituturing din na pillar sa economic reform ng bansa ay ang liberalization sa mga naging paghihigpit na nakaka-apekto sa sistema ng ekonomiya.

Sa ilalim ng digital transformation agenda nahikayat ang Google na palawakin pa ang kanilang negosyo dito sa Pilipinas.

Malaking tulong din sa gobyerno ang Public-Private Partnership dahil nabawasan ang financial burden ng gobyerno habang sinisiguro ang patuloy na pagbibigay ng economic support sa mga mamamayan.

Sa mga proyekto nasa ilalim ng PPP nagbukas ito ng libong mga trabaho na malaking tulong para mapagaan ang buhay ng mga Pilipino.