Isinusulong ni House Ways and Means chair at Albay Representative Joey Salceda ang paggamit ng natural gas na siyang magpapatatag sa power suplly ng bansa.
Ipinaglaban ng house tax chief ang mga pangunahing probisyon sa Philippine Downstream Natural Gas Industry Development Act (House Bill No. 8456) na inaprubahan na ng House of Representatives..
Si Salceda, ang pangunahing may-akda ng panukala at guwama ng mga probisyon sa buwis at mga pangunahing bahagi ng ekonomiya ng panukalang batas, kabilang dito ang mga insentibo sa buwis na maghihikayat ng agarang pamumuhunan sa imprastraktura sa sektor ng liquefied natural gas (LNG).
“I congratulate Speaker Romualdez, Energy Committee Chair Velasco, and my colleagues on this measure, which we expect has many supporters in the Senate. It is a priority bill of the President, and we expect enactment this year,” wika ni Salceda.
Itinulak din ni Salceda ang mga sumusunod na insentibo na pinagtibay sa pinal na bersyon na inaprubahan ng Kamara.
Una, ang pagbebenta ng LNG at ang mga lokal na pagbili ng sektor ay VAT zero-rated, katulad ng mga pribilehiyo ng VAT ng lokal na sektor ng renewable energy.
Ang mga gastos para sa pag-convert ng power plant mula sa coal patungong LNG ay sisingilin din bilang capital expenditure, at samakatuwid nasa 150% deduction ito, alinsunod sa CREATE Law.
Itinulak din ni Salceda ang mas mahabang income tax holiday para sa mga proyekto ng LNG sa pamamagitan ng pagtulak sa kanilang pagsasama sa ilalim ng Tier III ng CREATE Law.
“Liquified natural gas (LNG) should just be Tier I, if you look at the definition in CREATE. It will benefit from Tier III incentives as long as you register within the next four years. After that, you are subject to just whatever incentives the Fiscal Incentives Review Board gives you,” paliwanag ni Salceda.
Dagdag pa ni Salceda, “The reason for the four year period is so that they begin registering and building the infrastructure now. We need it for carbon avoidance and for energy security.”
Matagumpay din na naisulong ni Salceda ang cross-ownership mula sa various segments ng LNG value-chain, pata mahikayat ang mga investors ma-integrate ang kanilang operasyon sa mababang halaga.
Kabilang sa itinutulak din na provision ng economist solon ang paglimita sa defilition ng public utility duon sa bahagi ng liquified natural gas value-chain sa ilalim ng Publice Service Act.
Ito ay magpapahintulot sa mas maraming dayuhang mamumuhunan sa sektor ng LNG, dahil ang mga paghihigpit sa equity sa mga pampublikong kagamitan ay hindi nalalapat sa mga sektor na iyon.
Itinulak din ni Salceda ang isang probisyon na inuuna ang indigenous natural gas, bilang antisipasyon sa mga bagong tuklas ng LNG sa West Philippine Sea.
Ang probisyon ay napapailalim sa mga eksepsiyon na itinakda ng Department of Energy (DOE).
“You want to create some degree of certainty of demand for our indigenous natural gas. That reduces the risk investors take in exploring and extracting LNG from our seas, making it more attractive to invest in exploration and service contracting,” dagdag pa ni Salceda.