-- Advertisements --
Hindi gaanong sang-ayon ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa muling pagbabalik ng Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Sinabi ni ECOP president Sergio Ortiz-Luis Jr, na ang muling paghihigpit ay may malaking epekto sa ekonomiya.
Suportado naman nito ang hinaing ng mga health workers subalit kailangan din aniyang balansihin ang ekonomiya.
Dapat aniya na naka-focus ang gobyerno sa pagpapaigting ng contact tracing at testing ganun din sa pag-isolate at paggamot sa mga COVID-19 cases.
Hindi rin nito maitago ang galit sa ginagawang pagresponde ng gobyerno sa pandemiya.