-- Advertisements --

May malaking epekto umano sa pagnenegosyo sakaling tuluyang ipasa ang pagbibigay ng 14th month pay sa pribadong sektor.

Sinabi ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Lus, na mapipilitang magtaas ng presyo ang mga negosyante at kapag lumala ay magbabawas sila ang mga empleyado.

Nilinaw naman nito na posibleng makayanan ng ilang mga employers ang nasabing panukalang batas ni Senator Tito Sotto.

Magugunitang inihain ni Sotto ang panukalang batas na magbibigay ng 14th month pay sa mga manggagawa na nasa pribadong sektor.