-- Advertisements --

Hiniling ng ilang mga negosyante at manggagawa kay Pangulong Rodrigo Duterte na kung maari ay pigilan ang pagtaas ng singil sa kontribusyon sa Social Security System (SSS).

Ayon sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis na dapat pagsabihan ng pangulo ang SSS na huwag munang maningil ng mas mataas na kontribusyon.

Sa ganitong paraan aniya ay makakatulong ito sa mga negosyante na makabawi ngayong panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.

Kapag nagawang mapigilan ito ng pangulo ay maiiwasan ang pagsasara ng mga kumpanya.

Sinang-ayunan naman ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung saan pinag-aaralan umano ng pangulo ang hiling ng mga negosyante at mga manggagawa.