-- Advertisements --

Umapela ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban san ang nakatakdang pagpapatupad ng dagdag contributions ng Social Security System (SSS) pagdating ng Enero 2021.

Sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz-Lus Jr, na kaya sila umapela ay dahil sa ang pagtataas ng SSS contributions ay mandato ng batas.

Dagdag pa nito na gaya ng ilang mga babayarin ay ipinagpaliban ang nakatakdang pagtaas ng singil nila.

Ang pagpaliban aniya ng pagtaas ng babayarin sa SSS ay makakatulong din sa mga manggagawa at hindi lang mga employers.

Magugunitang inanunsiyo ng SSS na magtaas sila ng 13 porsyento mula sa dating 12 porsyento na contributions mula sa kanilang miyembro.

Bukod sa SSS nanawagan din ang ECOP sa posibleng pagkansela ng pagtaas ng kontribusyon ng Philhealth.