-- Advertisements --

Naniniwala si Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz Luis Jr., na makakabalik ang sigla ng pagnenegosyo sa 2021.

Sinabi nito na may ilang empleyado na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya ay muling makakakuha ng trabaho.

Subalit ang mga negosyo ay magbubukas lamang at wala ng expansion pa ang asahan.

Kung ang ilang sektor aniya ay maganda ang improvement ang sektor ng turismo ay mahaharap sa problema dahil pa rin sa pandemya.

Maaaring mula sa ikalawang quarter ng 2021 ay makakabangon daw at makakabalik na sa normal ang lagay ng pagnenegosyo sa bansa.