Hinikayat ng Ecowaste Coalition ang publiko na iwasan ang pagamit ng ipinagbabawal na paputok sa pagsalubong ng bagong taon.
Paliwanag ng grupo maari namang pasiyahin ang pagsalubong sa bagong taon ng hindi gumagamit ng mga delikadong paputok.
Ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator ng Ecowaste Coalition dapat unahin ang kaligtasan ng publiko at magkaroon ng isang malinis at malusog na kapaligiran.
Dagdag pa ni Lucero na ang hindi pagamit ng mga paputok sa pasko at bagong taon ay magbibigay proteksyon sa mga karapatan ng tao at kapaligiran .
Nitong Sabado lang inilunsad ng Ecowaste Coalition ang ‘Iwas Paputoxic’ Campaign.
Sa pamamagitan umano nito maiiwasan ang malakas na ingay, disgrasya, pagkasugat, sunog at polusyon sa hangin at kapaligiran.