CAGAYAN DE ORO CITY – Mas lumakas pa ang panawagan ng isang environmental group kay Presidente Rodrigo Duterte na ipag-utos sa mga mambabatas na ratipikahan ang Basel Ban Amendment sa bansa.
Ito’y may kaugnayan sa pagkakadiskubre ng toxic shipment na nanggaling sa Hong Kong.
Ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste Coalition, naalarma sila sa pagkatuklas ng 40-foot container van na mga basurang plastik mula sa Hong Kong na sinasabing nagdala ng panganib sa kalusugan ng mga residente.
Aniya, ito ay isang malinaw na halimbawa ng mapanganib na kalakalan ng basura na patuloy na nangyayari at ipinapadala ang mga nakakalasong basura sa mas developing countries tulad ng Pilipinas.
Dagdag pa nito na ang mapanganib na kargamento na ito ay lumalabag sa diwa ng Basel Convention sa Transboundary Movement of Hazardous Wastes.
Ang pandaigdigang kasunduan, na kung saan ang Pilipinas ay pumirma, ay idinisenyo upang alisin ang mga kilusan ng mga mapanganib na basura sa pagitan ng mga bansa, at partikular na nilalayon nito na protektahan ang mga umuunlad na bansa mula sa paglalaglag ng mga industriyalisadong bansa.
Kung maalala, dumating noong Enero 2 ang isang container van na naglalaman ng 22 bags ng mixed plastic waste sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental sakay ng SITC Fujian mula sa kumpanya Hin Yuen Tech. Env. Limited kung saan ang Crowd Win Industrial Limited ang siyang pinadalhan.
Nitong Lunes naman ibinalik na sa Hong Kong ang mga imported toxic waste galing sa Tagoloan, Misamis Oriental.