Ilang araw bago ang pagsisimula ng School Year 2024-2025 , muli pinaalalahanan ng toxic watchdog group na EcoWaste Coalition ang mga magulang at ang kanilang mga anak na maging mapanuri sa mga binibiling na reusable stainless steel water bottles at tumblers.
Batay kasi sa isinagawang pagsusuri ng bago ang pasukan sa Hulyo 29, nadiskobre ng Ecowaste Coalition na mataas ang lead content ng mga nasabing produkto.
Partikular na tinukoy ng grupo ang mga exterior design ng mga ito.
Sa ngayon, ibinibenta ito sa halagang ₱100 – ₱250 particular na sa mga retail stores sa Caloocan, Maynila, QC at maging sa mga online sellers.
Malaki aniya ang epekto ng natuklasang toxic na ito lalo na sa kalusugan ng mga bata.
Ayon sa Ecowaste Coalition, ang produktong may leaded paint ay matatanggal sa katagalan kaya’t maaari itong malunok.
Patuloy naman na nananawagan ang grupo sa mga kinauukulan na alisin at sugpuin ang mga non-compliant products sa mga pamilihan sa bansa.