Pinaalalahanan ng Ecowaste Coalition ang manggagawa partikular na ang mga street sweepers na mag-ingat sa ‘heat stress’.
Ayon sa grupo, ang kakulangan ng proteksyon ay maaaring magdulot ng matinding kapahamakan at mga sakit gaya ng dehydration, hyperthermia, heat exhaustion, heat cramps at stroke dulot ng init.
Kaya naman nagpayo ang nasabing grupo lalo na’t ang mga manggagawang nabanggit ay nagtatrabaho at malalang nabibilad sa araw maghapon.
Suhestyon naman nila na mainam umano na palaging magdala ng tubig, kung maaari ay tumabi muna at magpahinga sa malilim na puno at gumamit ng mga sumbrero, payong at good morning towel.
Samantala, palagi umanong pakatatandaan na ingatan ang kalusugan dahil ito ang ating kayamanan at puhunan sa pakikibaka sa buhay.